Una sa Balita

Pamilya sandigan ni female celeb kontra sa mga kadugo

0 477

MADALAS makita ng mga kababayan natin ang isang kilalang female personality sa isang Adoration chapel. Taimtim siyang nagdarasal, wala siyang make-up, simpleng-simple lang ang kanyang gayak.

Dati nang nagpupunta du’n ang aktres, pero pagpansin ng mga nakakakita sa kanya, mas napadalas ang kanyang pagbisita sa Adoration chapel mula nang magkaroon ng problema sa kanilang pamilya.

Kuwento ng isang source, “Madalas din kasing magpunta du’n ang isang friend kong may taimtim na ipinagdarasal tungkol sa business niya. Nagkakasabay sila du’n ni ____ (pangalang ng female personality).

“Nu’ng tumawag siya sa akin, e, hangang-hanga siya du’n sa girl, instead daw na sumagot sa mga posts ng mga kapamilya niya, e, ipinagdarasal na lang niya ang mga problema niya.

“At mukhang tama ang desisyon niyang huwag nang sumagot-sagot pa, nagkakaroon siya ng peace of mind, tumatalab ang mga dasal niya dahil mukhang sinawaan na rin sa pagpapagalit sa kanya ang mga kadugo niya!” opinyon ng aming source.

Nu’ng minsan naman ay nakita mismo ng aming impormante ang aktres sa isang malaking supermarket. Kasama niya sa paggo-grocery ang kanyang mga anak.

Kuwento ng aming source, “Ang saya-saya nilang mag-iina, nagtutulung-tulong sila sa paggo-grocery, kitang-kita mong masaya talaga sila.

“Saka marespeto pala ‘yung anak niyang naging controversial, may kinuha siyang mga kagamitang pang-CR, nagpaalam pa siya sa mommy niya kung puwede siyang kumuha nang marami.

“Naisip ko lang, malaki ang kinikita ng girl, may sarili siyang pera, nakapagpatayo na nga siya ng sarili niyang bahay, ‘di ba? Pero nagpapaalam pa rin siya sa mommy niya.

“That’s what we call respect. E, puwede nga siyang kumuha nang kumuha ng mga gusto niya dahil milyonarya na rin naman siya, pero tingnan n’yo, marespeto siya sa nanay niya!” reaksiyon ng aming kaibigan.

Konklusyon ng aming mga kausap, may katahimikan ng kalooban ang female personality, may pamilya siyang sinasandigan sa mga panahon ng pagsubok, mga katangiang wala ang mga taong nananakit sa kanyang damdamin, kaya maligalig ang personal na buhay ng mga ito.

KC ibang kultura na ang pananaw sa buhay

MAY kasabihang mother knows best. Pero kabaligtaran nu’n ang nagaganap sa mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion kung paniniwalaan natin ang lahat ng mga panaghoy ng Megastar tungkol sa kanyang panganay.

Palaging siya ang napag-iiwanan, last one to know, pagdating sa mga nagaganap sa buhay ni KC, personal man o propesyonal.

Pusong ina lamang ang makauunawa at makare-relate sa emosyon ng aktres, hindi lang siya basta naghahanap, nagmamalasakit siya kay KC na ni hindi man lang nakikipagkomunikasyon sa kanya.

Naging dahilan na lang ang kanyang birthday celebration na hindi dinaluhan ni KC, ‘yun lang ang naging ugat, pero matagal na palang may saloobin ang Megastar sa kanyang panganay.

Masakit nga naman ang ganu’n para sa isang ina, napakadali namang tumawag o kaya’y mag-text, napakasimpleng bagay na hindi pa magawa ni KC. Sabi nga ng mga nakausap namin ay kulang na kulang si KC sa pagpapahalaga sa babaeng nagsilang sa kanya.

Sabi naman ng isang kakuwentuhan namin, “Pinabayaan niya kasing mag-aral sa ibang bansa si KC, ayan, nahaluan na tuloy ng ibang kultura ang anak niya! Hindi na Pinoy na Pinoy ang pananaw ng anak niya, sa totoo lang!”

Pero ang ina ay ina at ang anak ay anak lang. Kahit pa dumating na sa wastong edad ang anak ay hindi nangangahulugang kalilimutan na nito ang kanyang pagrespeto sa magulang.

Hindi pinuputol ang pakikipagrelasyon, binibigyan pa rin ng importansiya ang komunikasyon, para hindi nagkakaroon ng tampo ang magulang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More