Una sa Balita

Pamilya sa Tagaytay nanlibre ng car wash sa mga motorista

0 331

Isang pamilya sa Tagaytay ang tumulong sa mga motorista na tanggalin ang abo sa kanilang mga windshield kaugnay ng pagsabog ng bulkang Taal.

Sa Facebook post ng photojournalist ng Manila Bulletin na si Juan Carlo De Vela, sinabi niyang kasama niyang nagtatanggal ng abo sa mga sasakyan ang kanyang mga magulang na sina Roland Litonjua de Vela at Gloria de Vela dahil sa patuloy na pagsabog ng Taal Volcano.

Noong Linggo, Enero 12, nagbuga ng makakapal na usok at abo ang Taal Volcano na nakarating sa Metro Manila.

Nitong Lunes, Enero 13 naman sumuka na ng lava ang bulkan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More