Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pamilya sa Malacañang Complex tinamaan ng virus

0 339

Mistulang dinaanan ng delubyo ang isang pamilyang nakatira sa isang barangay sa loob ng Malacañang complex makaraang mag-positibo sa COVID-19 ang mga ito.

Kabilang sa mga tinamaan ay ang mag-asawang pulis at guro, ang senior citizen na nanay at dalawang anak. Noong Miyerkoles, dinala na sa ospital ang buong mag-anak matapos lumabas ang resulta ng kanilang COVID-19 test.

Ang pulis ay isang frontliner subalit hindi pa tukoy kung ito ang carrier ng coronavirus. Malimit din umanong namamalengke ang asawang guro kaya hinihinalang posibleng nakuha nito sa palengke ang virus.

Nagsagawa na ng contact tracing ang mga opisyal ng barangay para matutnon ang mga nakasalamuha ng mag-anak sa kanilang barangay. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.