Una sa Balita

Pamilya ni Miko Palanca humiling ng privacy

0 607

Marami nga ang nalungkot sa biglaang pagkamatay ng dating aktor na si Miko Palanca. As of this writing, narito ang official statement ng pamilya tungkol sa pagkamatay ni Miko.

“As of now, we would like to respectfully request for privacy as we go through this very difficult time.”

Siyempre, sa pagpanaw ni Miko, ‘yung mga kati-katera sa showbiz, biglang inalala ang nakarelasyong aktres na si Bea Alonzo nga.

Aga, Xia hahamig ng award sa MMFF

Hindi namin napigilang lumuha nang mapanood namin ang festival movie na “Miracle in Cell No. 7”. First time naming mapapanood ang Pinoy version ng Korean movie na ito, na number 7 na ngayon sa listahan ng highest grossing domestic film of all time sa Korea.

Ang galing-galing ni Aga Muhlach at ang gumanap na anak niyang si Xia Vigor. Maging ang gumanap na preso na sina Joel Torre, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, JC Santos at Soliman Cruz ay winner rin ang performances.

Dapat sana ay si Nadine Lustre ang gaganap bilang malaking Xia pero pinalitan siya ni Bela Padilla. Okay rin naman ang acting ni Bela.

Sa totoo lang, walang dudang liyamado si Aga para maging best actor pero hindi kami matataka kung pati ang ibang artista ay makakuha ng award lalo na si Xia as best child performer.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy