Una sa Balita

Pamilya ni Mary Jane Veloso dumulog sa SC

By
0 515

Pinababaligtad ng pamilya Veloso sa Korte Suprema ang desisyon ng Court of Appeals (CA) sa kanilang apela na makuhanan ng testimonya si Mary Jane Veloso laban sa kanyang mga recruiter dito sa Pilipinas.

Hiniling din nila sa SC na pigilan muna ang Regional Trial Court (RTC) branch 88 sa Santo Domingo, Nueva Ecija na ituloy ang pagdinig sa kasong isinampa laban sa mga recruiter ni Mary Jane hangga’t hindi nakukuha ang kanyang testimonya sa Indonesia.

Agosto noong 2016 nang magdesisyon ang Nueva Ecija RTC na kunin ang testimonya ni Mary Jane suba­lit hinarang ito ng kampo nina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao na mga recruiter ni Mary Jane sa Pilipinas.

Inakyat ng mga abogado ng isinasakdal sa CA ang pasya ng RTC judge dahil hindi nila maisasailalim sa cross examinaton si Veloso bagay na pinaburan ng appellate court.

Abril noong 2010 nang hulihin sa Indonesia si Mary Jane dahil sa 2.6 kilos na heroin na nakasilid sa bagahe na pinadala sa kanya mula sa Malaysia at nahatulan ng death penalty.