Una sa Balita

Pamilya ni James solid ang suporta kay Nadine vs tinabig na fan

By
0 6,340

Kung sa mga anti-Nadine Lustre na mga fan ng ibang artista at netizen, sa nakikita namin, hindi matitibag ng anumang pangba-bash o mga negative comments kay Nadine ang pamilya ni James Reid.

Ang solid ng mga ito sa pagmamahal at pagkakakilala nila kay Nadine. No doubt, mahal ng pamilya ni James si Nadine na practically, ‘ate’ na talaga ang turing nila lalo na ng dalawang kapatid ni James na sina Lauren at Jack Reid.

Ipinagtanggol nga ni Jack si Nadine sa ‘ta­big-selfie’ issue sa diumano ay fan ni James na nagse-selfie rito sa isang bar/resto. Hindi raw ito napanood o nakita ni Jack at sa pagkakilala nga raw niya kay Nadine, kung totoo man na nagawa ito ng young actress, siguradong-sigurado siya na may dahilan.

“But I’m sure it was for reason. I’m sure it was,” saad niya.

Malapit nga si Jack kay Nadine at naniniwala itong misunderstood si Nadine ng iba pero sila kasi, kilala raw nila ang totoong Nadine.

Sabi pa niya, “She’s the most po­sitive person when it comes to negative things. Even though she’d be hurt so bad, she can turn it into positive and be really inspiratio­nal about it.

Older sister nga raw kay Jack si Nadine na nagagawa niyang kausapin kahit na ano.

Si Jack ang isa sa mga FBOIS ng Viva kasama sina Andrew Muhlach, Vitto Marquez, Dan Huschka, at Julian Trono at ilulunsad na nga sila nga ngayon sa pamamagitan ng Squad Goals movie.

So far, marami pa nga sigurong bigas na kakainin si Jack para mapantayan ang mga na-achieve na ng kapatid niya na si James. Pero never raw na nakita ni Jack na pressure sa kanya ang popularidad ng Kuya niya, in fact, si James pa raw ang pinaka-supportive talaga sa showbiz career niya.

LA Santos petmalu ang mga guest

Finally, matutupad na ang pangarap ng baguhang singer na si LA Santos na magkaroon ng sarili niyang concert, ang Petmalu sa Music Museum ngayong April 30.

Palagi kasing front act si LA in the past ng mga sikat na singers at natural lang naman na pa­ngarapin niya ang magkaroon ng concert na siya naman ang talagang bida. Bongga si LA dahil nakuha niya ang atensiyon ng dating actor at kilalang producer ng malalaking concert sa bansa na si Joed Serrano.

Napanood lang nito ang YouTube video ni LA ng Titibo-Tibo ni Moira dela Torre kaya hindi lang bilang produ­cer ng first major concert nito ang papel sa buhay ni Joed kay LA, nakipag-co-manager na rin ito.

Katwiran ni Joed, marami raw kasi na prinodyus niya sa umpisa, nu’ng sumikat, hindi na siya kasama dahil hindi naman niya kinontrata bilang ta­lent niya at manager siya.

Sa totoo lang, may impression kami na si LA ang isa sa mga baguhang singer na lumaking privilege kid. Yung lahat ng gusto nasusunod at nakukuha at hindi na pinaghihirapan.

Aminado naman itong may pagka-mama’s boy dahil super close talaga sila ng ina niya. Pero itinanggi ito ni LA na hindi naman daw sila lumaking mayaman, talagang lahat daw, pinaghirapan din ng mga magulang niya at siya mismo ay sanay na maghintay at magtiyaga.

In less than two years sa kanyang singing career, willing si LA na maghintay, magtiyaga at ipakita ang passion niya sa pagkanta at sa career na pinasok niya.

Anyway, petmalu nga ang concert ni LA dahil bongga rin ang line-up ng mga guests niya tulad nina Jaya, Ian Veneracion, Jona and Michael Pangilinan at dahil nakasama na niya dati sa concert ang mga Jukebox Queens, heto’t ang mga ito naman ang maggi-guest ngayon sa concert niya na sina Imelda Papin, Claire dela Fuente at Eva Eugenio.