Una sa Balita

Pamilya ni Gerald ayaw kay Bea

‘Wala naman silang magagawa!’

By
0 3,155

Sandali naming nakatsikahan ang isang malapit na kaibigan ni Gerald Anderson.

Excited nitong ibinalita sa amin ang inaasahan niyang ‘bonggang pasalubong’ mula sa aktor galing sa Hawaii. Isa nga si Ge sa mga ASAP mainstay na nagpasaya ng mga kapamilya natin sa Hawaii.

Iwas na iwas ang naturang kaibigan ng aktor sa pangungumusta namin tungkol sa relasyon nito kay Bea Alonzo.

Simpleng pahayag na, “Naku, nasa edad na sila. Alam na nila ang ginagawa nila,” ang nakuha naming sagot sa isyu ng umano’y madalas nilang pag-sleep over sa bahay ng isa’t isa.

“So, hindi kaya live-in set-up na yun?” pangungulit segue pa namin.

“Merong ganyan?” ganting sagot ng aming kausap.

Nang mauwi ang tsikahan namin hinggil sa reaksyon ng mga kaanak ng aktor sa pakikipagrelasyon nito kay Bea, nakakaintriga ang sagot ng aming kausap. Sey nito, “Wala naman silang magagawa dahil si Ge naman ang magdedesisyon sa buhay niya. Baka lang kasi hindi pa nila gaanong kilala o nakikilala si Bea. Or baka talaga ayaw din nilang kilalanin dahil ayaw ding ipakilala nang maayos ni Ge?”

Ay, may isyu? Hahahahaha!