Una sa Balita

Pamilya ni Angelica Panganiban minura, sinaktan sa Paris

0 789

Humihingi ng saklolo si Angelica Panganiban sa kanyang tweet para sa kanyang pamilya na nag-tour sa Paris. Sa kuwento ni Angelica sa kanyang Twitter post, sinisingil ng 450 Euros ang kanyang pamilya ng taxi na sinakyan nila papuntang accommodation na malapit sa Eifel Tower.

Hindi binigyan ng kapatid niya ang driver dahil sobrang mahal ng sinisingil nito sa kanila. Nagbaka sakali si Angelica na baka may mga Pilipino na naka-follow sa kanya na puwedeng tumulong o mag-assist sa kanyang pamilya dahil nahihirapan ang kapatid niya na makipag-usap sa driver na hindi marunong mag-English.

Isang Leo Lim na pinasalamatan ni Angelica sa kanyang post ang tumulong na makipag-negotiate sa taxi driver at i-settle ito.

Pumayag sa 160 Euros sa tulong ng Pinoy na nag-translate sa driver pero itinapon din ito ng driver at hindi tinanggap.

Minura pa raw at sinigaw-sigawan ng driver ang ate at kuya ni Angelica. Hinampas pa raw ang kamay ng kapatid nu’ng makitang kinukunan ito ng photo.

Nag-alala si Angelica sa kapakanan ng kanyang pamilya lalo’t alam ng driver ang pinaghatirang accommodation sa kanila.

Naghihintay na lang ang pamilya nina Angelica ng tyempo para mag-report sa mga police, at saka lilipat na ng bagong accommodation para hindi mabalikan ang mga ito ng driver.

Gustong lumipad ni Angelica ng Paris para damayan ng kanyang pamilya, at para ireklamo ang driver. Nawindang ang mundo ng aktres, na hindi nakayanang malamang inaapi at sinasaktan ang kanyang pamilya.

Himutok pa niya sa kanyang tweet, @angelica_114, “Pumapayag akong sinasaktan at ginagamit ko. Pero hindi yung uubra kapag ginawa mo sa pamilya ko. Hustisya!!!

“Gusto kong lumipad ng Paris ngayon at maghanap ng away!!! Lintek! Wag pamilya ko gunggong ka!! Ipapahanap kita!” (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy