Una sa Balita

Pamilya ng mga politiko maglalaban sa Nueva Ecija

By
0 2,272

BUKOD sa pamilya Joson ng Bagong Lakas ng Nueva Ecija ay may iba pang pamilya ng mga politiko sa Nueva Ecija ang nakatakdang magla­ban-laban sa May 2019 elections.

Ang panganay na si Tomas Joson at anak na si Edward Thomas ay nakapanig kay PDP Laban gubernatorial bet Virgilio Bote dahil ang batang Joson ang vice gubernatorial running mate.

Si Eduardo Nonato ‘Edno’ Joson na sumunod kay Tomas ay tumatakbong independent governor, at walang running mate.
Nakapanig naman si Mariano Cristino ‘Boyet’ Joson sa mag-asawang Aurelio at incumbent Gov. Czarina Umali na nagtatag ng Unang Sigaw Party sa Nueva Ecija.

Si Boyet ay unopposed mayoralty bet sa bayan ng Quezon, hometown ng mga Joson.

Muling tatakbong gobernador si Aurelio at bilang 3rd district congressman si Czarina na katapat si incumbent Rep Rosanna Vergara, maybahay ni Cabanatuan City graduating mayor Julius Cesar. Ang mga Vergara ay nakakiling kay Tomas Joson.

Sa 2nd district ay magbabangga muli ang magbayaw na Micaela Violago at Lito Violago.

Sa San Leonardo ay maglalabang mayor ang magkapatid na Sonny ‘Kano’ Nagaño (NUP) at incumbent Mayor Froilan ‘Elan’ Nagaño (Peoples Reform Pary).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy