Una sa Balita

Pamilya ng escort ni Batocabe bibigyan ng pabahay, trabaho, edukasyon

By
0 658

MAKAKAASA ng tulong mula sa gobyerno ang pamilya ni SPO1 Orlando Diaz, ang police escort na napatay kasama si Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe.

Ito ang tiniyak ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalaw noong Miyerkoles nang gabi sa burol ni Batocabe sa Daraga,Albay.

Ayon sa Pangulo, ginagarantiya nito ang pag-aaral ng mga naiwang anak ni Diaz, at kung wala pang bahay ay bibigyan ito ng pabahay, pati na ang trabaho sa biyuda nito.

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Duterte sa pamilya ni SPO1 Diaz na nagsabing nasa peligro lagi ang buhay ng isang alagad ng batas lalo na kapag ang binabantayan ay politiko.

“I’d like to extend my condolences to the fami­ly of the late police officer. Console yourself with the fact that he died in the line of duty and alam mo pagka-security ka, the possibility of dying is there always. You take chances you know,” anang Pangulo.

Kasabay nito, ina­tasan ni Pangulong Duterte ang Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) na hanapan ng trabaho ang biyuda ni Diaz na si Judy.

Personal na iginawad naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde sa asawa ni Diaz na si Judy ang Medalya ng Kadakilaan at tulong pinansiyal para sa pamilya nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy