Una sa Balita

Pamilya ng comatose na OFW sa Saudi nagpasaklolo sa OWWA

0 369

COMATOSE ngayon ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia dahil sa brain aneurysm.

Kinilala ang biktima na si Maribel Patubo, 27, tubong Batay, Ilocos Sur.

Sa report nananawagan ang asawa ng biktima na si Joseph Patubo sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tulungan sila sa gastos ng biktima sa ospital ng Saudi Arabia at iba pang gastusin dahil aktibo naman na miyembro ng OWWA ang biktima.

Sa ngayon ay hinihintay ni Joseph na maiproseso ang kanyang mga papeles gaya ng passport para maiuwi ang kanyang asawa na nasa Saudi Arabia.

Ayon sa isang kasamahan ni Maribel sa Saudi Arabia na si Ginalyn Laurente, nakiusap siya sa ospital sa nasabing bansa para operahan ito noong Sabado ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang malay ang biktima. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy