Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pamilya nanganganib magutom: Aktor nagsisi sa kontrata sa ABS-CBN

0 6,012

Nakarating lang sa amin, nagsisisi raw ang isang actor sa naging desisyon nito. Nang pumirma kasi si actor sa isang management company, may plano sana rito na mula sa pagiging Kapamilya, susubukan naman niya ang maging isang Kapuso.

Interesado raw sa actor ang Kapuso network noon. Pagkakatanda nga namin, mineet na rin si actor ng ilang executives ng GMA-7, pero, at the end, nang offeran o tapatan ng ABS-CBN ng isang serye na isa sa bida ang actor, mas pinili nito na pumirmang muli sa Kapamilya network.

Siyempre, hindi na-anticipate ang pangyayari ngayon. Tingin namin, love naman talaga ni actor ang ABS-CBN kaya nanatili siyang Kapamilya sa kabila ng interes sa kanya ng kabilang network.

Pero bilang breadwinner ng pamilya, hindi raw ikinakaila ng actor na may nararamdaman itong pangamba ngayon na sarado ang network na kinabibilangan niya.

At naaalala nito na what if daw, kung lumipat na nga siya noon.

Mga bayani pinahalagahan sa GMA

Bilang naging controversial ang pagiging isang tunay na Pinoy sa nakaraang mga hearing ng ABS-CBN sa Congress at ‘di ba nga’t pinapa-recite ang Panatang Makabayan…

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ewan kung may konek, pero ang GMA-7 ay muling ipalalabas ang mga drama nila na tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

Mapapanood ito sa www.GMANETWORK.com ang full episodes ng mga historical drama tulad ng Amaya, Indio, Illustrado, Alaala at Katipunan.

GMA Network – Online Portal of Kapuso News and Entertainment
GMA New Media, Inc.

Find the latest breaking news, photos, and videos on Philippine top stories, entertainment, lifestyle, and Kapus…

Ang bida ng Illustrado, ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards nga ang nagbahagi ng misyon ng Kapuso network sa pagpapahalaga sa kasaysayan ng bansa.

Ayon kay Alden, “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Dito sa GMA, binibigyan namin ng pagpapahalaga ang ating kasaysayan sa pamamagitan ng ating mga programa. Gusto naming ipakilala sa mga susunod na henerasyon na mga manonood ang kadakilaan ng ating mga bayani. Dito sa GMA, hindi lang tayo proud to be Kapuso kundi proud to be Filipino rin.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.