Una sa Balita

Pamilya nagpasaklolo sa NBI: Marino naglaho sa Misamis

0 746

DUMULOG na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pamilya ng nawawalang seaman habang nakasakay ng barko noong Enero 15 sa Laguindingan coast sa Misamis Oriental.

Ayon kay Nelly Fuentes, ina ni Dominador Fuentes III, 33-anyos, gusto nilang malaman kung ano ang nangyari sa kanyang anak na kapo-promote lang bilang chief mate noong araw na siya ay biglang nawala.

“‘Yun po ang nakakapagtaka bakit siya nawala na nandito na sana siya sa Pilipinas,” ayon kay Nelly.

Nabatid na patuloy ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Northern Mindanao sa kanilang search and rescue operation para mahanap ang seaman.

Nalaman sa kapitan ng barko na si Dominador ay hindi nakita sa MV Grande Progreso nang ito ay hanapin matapos na mawala alas-tres ng hapon.

Nabatid na ang MV Grande Progreso ay isang cargo vessel na nagdadala ng iron ore mula Brazil at noong araw na iyon ay nasa Laguindingan coast at naghihintay na makadaong sa port ng Philippine Sinter Corporation sa Villanueva, Misamis Oriental.

Nalaman na ilang oras bago nawala si Fuentes ay nakausap pa niya ang kanyang pamilya at inanunsiyo na na-promote siyang chief mate.

Kaya naghihinala ang pamilya nito na may nangyaring hindi maganda sa biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy