Una sa Balita

Pamilya dinampot sa droga

By
0 109

‘Kumpletos rekados’ na pinagdadampot ng Cavite Provincial Intelligence Branch ang mag-anak na tulak ng iligal na droga sa Brgy. Malagasang ll-G, pasado alas-sais ng umaga kahapon, sa pinaghiwalay na grupo nina S/Insp. Wilfredo Taran at SPO4 Nicomedes Carandang.

Sabay na inihain ang search warrant laban sa mag-asawang sina Rufino at Milagrosa Mendoza, 56 at 48-anyos, ayon sa pagkakasunod, habang sa ‘di kalayuan ay inihain rin ang search warrant laban sa anak nilang si RX Mendoza, 23-anyos.

Nakumpiska sa dalawang magkahiwalay na bahay ng pamilya ang isang bulto ng shabu at dalawang medium plastic sachet ng shabu, habang kina RX naman ay walo pang plastic sachet ng shabu ang nakuha.

Bagama’t inamin ni Rufino na dati silang nagbebenta ng shabu, ay mariin naman nitong itinanggi na kanila ang nakuhang droga sa bahay, katwiran nito, posibleng naiwan ng isa pang anak na si Argel ang mga droga, at sa tagal ng panahon ay nalimutang nasa cabinet pa pala ito.

Napag-alaman ng Abante sa personal na panayam kay Rufino na higit apat na taon na itong nakulong sa NBP Muntinlupa dahil rin sa kaso ng iligal na droga. Si Argel ay laya lang sa bisa ng piyansa at kasalukuyang pang dinidinig ang kaso sa droga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy