Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pambu-bully ng China sobra na

0 120

Nanawagan si Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan III sa gobyerno na maging agresibo sa pagbibigay ng proteksiyon sa teritoryo ng bansa na kinakamkam ng China.

Sinabi ni Cabochan na masyadong obvious ang intensiyon ng China na paalisin ang mga Pilipino sa ating teritor­yo sa West Philippine Sea at hindi ito dapat na hayaan ng gobyerno na mangyari.

“Makailang beses na tayong ginaganito ng China na kaibigan daw natin kuno. Hanggang kailan natin tatanggapin ang ganitong pagtrato sa loob mismo ng ating teritoryo?” tanong ni Cabochan.

Malinaw umano na ilegal ang ginawa ng Chinese Coast Guard ng harangin nito at bugahan ng tubig ang dalawang bangka ng Pilipinas na magdadala ng supply sa Ayungin Shoal. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.