Una sa Balita

Pambu-bully lang ang alam

0 425

Usap-usapan dito sa kanto, sa tindahan kung saan ang madalas na umpukan ng mga ­simpleng tao, ang palaging walang-galang na pagtrato sa Pangalawang Pangulo.

Ayon kay Jacklord, isang tricycle driver, bakit daw nila iniipit si VP Leni, e, ang admi­nistrasyon naman ang nagappoint sa kanya bilang drug czar pagkatapos ayaw siyang suportahan. Dahil, kung gusto nila talagang magtagumpay ang kampanya laban sa iligal na droga ay nararapat lang na bigyan siya ng suporta.

Itong tila bully na si Speaker Alan Caye­tano, imbes na bigyan na lang ng pondo para suportahan ang kampanya, ay mas gusto pa niyang batikusin ang ka-aapooint pa lang na drug czar.

Hindi ko maintindihan kung anong galit ang meron siya sa VP, marahil na lang eh dahil natalo siya bilang VP noon. Pero tapos na yon, dapat naka move on na, ika nga nila. Ngunit eh parang mas ninanais pang pulitikahin ang bagay na ito kaysa buksan ang pintuan para mag-abot ng suporta.

‘Di ba ayaw ng administrasyon na ito sa iligal na droga? Tama naman ‘yan kung sa tamang paraan idadaan, kaya bakit ayaw niyong magbigay ng ­suporta? ‘Di kaya ayaw niyo rin talaga syang magtagumpay kaya kayo namemersonal?
Aba e, magdecide kaya kayo? Kung ‘di niyo rin lang susuportahan e di sana pinigilan niyo na lang ang appointment. E ‘di rin naman kayo nagsalita at kumontra. Ngayong nakaupo na e saka kayo eeksena na siga-siga at talagang bully.

Mabuti pa ang simpleng tao, marunong mag—isip. ‘Di tulad nuong mga nasa poder at may kapangyarihan, pambubully lang ang alam!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy