Una sa Balita

Pambawi sa atraso? Gerald namigay ng biyaya sa mga quake victim

0 426

Kung bet na bet ng mga netizen ang magbasa ng mga negang kuwento tungkol kay Gerald Anderson, lalo na sa nangyari sa kanila nina Bea Alonzo at Julia Barretto, aba, dapat din silang matuto na pansinin ang maganda ring ginawa ng binata, ha!

Anyway, kahapon nga ay nasa Cotabato si Gerald, kasama ang ibang mga miyembro ng Scout Ranger, at ‘yun ay dahil namigay sila ng mga relief goods sa mga biktima ng lindol.

Be fair kay Gerald. Na kapag may ginawa siyang mabuti, purihin din naman, katulad na lang nu’ng paglatigo sa kanya kapag may mali siyang nagagawa.

Anyway, ramdam ko nga na medyo gumaan ang pakiramdam ng mga tao kay Gerald dahil sa mga naglabasang photo na kasama siya sa pamimigay ng tulong sa mga biktima ng lindol.

Heto nga ang samu’t saring mensahe ng mga fan:

Michael Anthony Tindero Rapadas: “Labas mga walang ginawa kundi i-bash si Gerald! Pag may akala nyong maling ginawa nagsisilabasan kayo! Ngayong tumulong sya sa kapwa tameme kayo! God bless Gerald.”

May Chua: “Di lang gwapo si Gerald may mabuti pa siyang puso.”

Glo Beltiar Aguirre: “Saan na yung nanghusga sa kanya dba wla nagawa sa kapwa.”

Diosdada Cenidoza: “Good job Gerald you’re always a helping hand to the needy.”

Myra Atienza Landayan: “Dati pa man tumutulong at sumasama sya kaht sa mga rescue team kahit sa charity at mga orphanage at hindi lang isang beses yon kundi marami.”

JC Davao: “Nakakaiyak talaga manoud lalo na pag nakikita natin yung pagtutulangan ng mga kapwa Pilipino. Maraming salamat sa iyu Gerald Anderson.”

Pero siyempre, may iba pa rin na sarado ang isip at talagang nakapako na sa mga utak nila na si Gerald ay isang kontrabida, o masamang tao.

Tha Ta: “Damaged control.”

Vince Y Galvez: “Bumabawi si Manoy!”

Well…

***

Diego nabago ang buhay dahil kay Bitoy

Dream come true para kay Michael V ang magaganap na eksena sa ika-24 taon na anibersaryo ng “Bubble Gang”, na kung saan ay siya nga ang pinakautak.

Gustong-gusto nga ni Bitoy na gumawa ng ala-“Avengers”, at sa “Bubble Gang” anniversary nila sa Nov. 15 at 22 ay gagawin nga nila ito.

Pero siyempre, dapat may twist, o kakaiba pa rin. Kaya naman, sa halip na “Avengers”, ‘The ScAvengers’ ang gagawin nila.

Mala-superhero telemovie special nga ang ginawa nila, at sa teaser pa lang, maaliw ka na sa mga itsura nila.

Sa presscon nga pala kahapon, napaiyak si Diego Llorico, dahil ang “Bubble Gang”, at si Michael V nga raw ang dahilan kung bakit nabago ang buhay niya. Mula sa isang pagiging simpleng personal assistant na inuutusan sa set, nabigyan siya ng chance na umarte, at heto na nga siya ngayon, maayos na ang buhay.

Sa presscon ay kitang-kita kung gaano sila ka-close na wala silang ginawa kundi ang mag-asaran, ha!

***

Yaya ni Piolo super react:

Ahron Villena nagpasilip ng ‘bakat’ sa socmed

Galing talagang magpainit ng dugo nitong si Ahron Villena. Na kapag gusto niyang umeksena sa social media, sure ako na maloloka ang mga fan niya.

Tulad na lang ng latest IG at Facebook post niya, na nasa banyo siya, nakatapis ng tuwalyang puti, at siyempre, bakat na bakat ang nota niya.

Sa Instagram, naka-off na ang comment section. Pero sa FB, malayang naka-comment ang mga follower niya.

Well, pati nga ang yaya ni Piolo Pascual na si Yaya Moi, natarantan sa pabakat ni Ahron, ha!

Moimoi Marcampo: “Sa picture number 2 ako, mukhang galit ang muscle, muscle sa baba!” komento ni Yaya Moi.

At sa rami nga ng mga nagkomento sa pabakat na photo niya, kay Yaya Moi lang siya sumagot, na kaibigan nga niya kasi.

“Moimoi Marcampo luh hindi po ah!” sabi ni Ahron.

At dahil diyan, lalong nabaliw ang mga fan niya, na grabe naman, bukol na bukol na, patay pa.

Ryan Corral Pontejos: “Bakit galit naman yung mga muscle mo sa baba?”

Chip Thorn: “Okay lang maging makasalanan ang mata ko. Basta ikaw ang dahilan!”

Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy