Una sa Balita

Pambato ng Japan ipaparada ang mga Pinoy design sa Miss U ‘19

0 518

Bongga ang magiging representative ng bansang Japan sa 2019 Miss Universe dahil ang isusuot nitong mga gowns for competition ay gawa ng Filipino designers.

Ang nagwaging Miss Universe-Japan 2019 na si Ako Kamo ay excited na mag-compete.

“It’s really an honor to get to represent Japan. But at the same time, with the use of the Miss Japan platform, I would like to raise awareness specifically about our education system,” diin pa niya.

Nasa Pilipinas kamakailan si Miss Japan para maayos na ang mga isusuot niyang gowns na gawa ng mga student designers ng Slim’s Fashion School at ng designer na si Joel Escober.

Naging exchange student pala sa Pilipinas si Miss Universe-Japan Ako Kamo noong 2017. Anim na buwan siyang nag-aral sa Assumption College in San Lorenzo, Makati. Kaya marunong itong mag-Tagalog at nakita niya ang magagandang gowns na gawa ng Pinoy designers.

Hindi nga raw typical pageant girl look ang gowns na ginawa para kay Kamo ng Pinoy designers. Binigyan nila ito ng high fashion and edgy unique style na on trend ngayon sa Japanese fashion.

Desididong mapanalunan ni Kamo ang Miss Universe crown this year. Dalawa pa lang kasi ang napo-produce na Miss Universe ng Japan: Akiko Kojima in 1959 and Riyo Mori in 2007. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy