Una sa Balita

Pambato ng Hugpong bibitbitin ng Lakas

By
0 715

Prayoridad ng partidong Lakas Christian-Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang mga mamanuking senatoria­bles ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Lakas-CMD president at dating Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, bukod kay dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. dadalhin ng Lakas ang karamihan kung hindi man lahat ng kandidato na ieendorso ni Mayor Duterte sa pagka-senador para sa 2019.

“We have a senate slate. We will be supporting those also endorse by the Hugpong Party,” sabi ni Romualdez.

Nitong nakaraang linggo, inilabas ng naka­babatang Duterte ang dalawang listahan ng mga mamanukin ng Hugpong sa Senado sa darating ng halalan. Kasama sa unang listahan ng HNP sina Senadora Cynthia Villar, Taguig Rep. Pia Cayetano, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Bureau of Corrections (BuCor) chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa; Special Assistant to the President (SAP) Christpher ‘Bong’ Go, ang magkapatid na sina Senador JV Ejercito at dating Senador Jinggoy Estrada; at si Maguindanao 2nd District Rep.Zajid Mangudadatu.

Halos parehas lamang ang ikalawang listahan ng Hugpong na eksklusibo naman umano sa Davao Region subalit napadagdag sa nasabing listahan sina PDP Laban President at Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, Presidential spokesman Sec. Harry Roque, LDP Pre­sident at Senador Sonny Angara, at ang da­ting GMA-7 brodkaster na si Jiggy Manicad.

Ayon kay Romualdez, nakareserba na kay Revilla na kasaluku­yang chairman ng Lakas ang isang puwesto sa kanilang Senate slate habang ang natitirang 11 bakanteng slots ay pag-aagawan ng mga kandidatong inendorso ng Hugpong ni Mayor Duterte.

“‘Yung priority ng Hugpong na i-endorse, i-eendorse din natin (sa Lakas)… we will re­commend and prioritize as well,” giit ni Romuladez.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy