Una sa Balita

Pambabarako ni Sotto kapos

0 359

HINDI sapat ang 16 marka, pitong boards at dalawang butata ni Kai Sotto para sa The Skills Factory dahil yuko sila sa The Patrick School National nitong Biyernes (Sabado sa Manila) 78-76 sa New Jersey tournament na Metro Classic.

Tinipon ng basketball highlight reel account na Ballislife.com ang mga pambihirang galaw ng Pinoy cager para sa Atlanta-based team.

Ilang collegiate team na ang binisita ni Sotto, ang pinakahuli ay ang unofficial visit nito sa Auburn University, ang eskuwela­han kung saan nanggaling si NBA legend Charles Barkley.

Sa ESPN Top 100 Class of 2020 ay nasa ika-75 na puwesto na si Kai, pang-11 naman sa mga sentro sa nasabing draft class. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More