Una sa Balita

Pambababae ni Carlo binisto ni Maja

By
0 2,126

Alam mong hot property ang isang tao kapag sunod-sunod ang mga kuwentong naglalabasan tungkol sa kanya, at kapag naapektuhan ang maraming tao.

At sa recent guesting nga ni Maja Salvador sa “Tonight With Boy Abunda,” nagulantang ang mga fan ni Carlo Aquino dahil sa mga inilantad ng dalaga. Buong ningning kasing sinabi ni Maja ang not-so-behaved past ng ex niyang si Carlo pagda­ting sa mga babae.

Tinanong kasi ni Kuya Boy si Maja kung may alam ba siya tungkol sa relasyon nina Carlo at Angelica Panganiban nu’ng nililigawan siya ni Carlo. Naikuwento nga noon na nanligaw rin si Carlo kay Maja.

Anyway, ang sagot ni Maja, “Wala ­talaga. Sorry, Carlo. Ang daming girls naman ni Carlo.”

Dagdag pa niya, “Inamin naman ni Carlo, hindi siya behaved dati. Bago pa niya ako ligawan, ang daming babaeng naging rason ng pag-aaway.”

Pagdating naman kay Zanjoe Marudo, umamin si Maja na mayroong spark ang dalawa, at sinabi pang “Aaminin ko…kung nauna ka lang kay ano? Okay.” Ang awkward naman dahil ang dine-date ng ex ni Maja noon na si Gerald Anderson ay siya nang kasintahan ng ex naman ni Zanjoe na si Bea Alonzo.

Ayaw raw ng dalawa na humigit pa sa pagkakaibigan ang kanilang relasyon, dahil sabi ni Maja, ayaw niyang sabihin ng mga tao na nagpalitan lang sila. Sabi naman ng ilang netizen, sundan na lang nila ang tibok ng puso nila at kebs na sa sey ng iba.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy