Una sa Balita

Pamatay sa kilig mula noon hanggang ngayon

By
0 1,569

8. ANGELU DE LEON & BOBBY ANDREWS: From T.G.I.S. to movies of VIVA Films, ang loveteam nina Angelu de Leon at Bobby Andrews ang isa sa sikat ng 90’s.

Maraming mga fan nila ang nalungkot nang mabalitang buntis na si Angelu, pero si Joko Diaz ang ama. Ganunpaman, kahit may pareho ng sariling pamilya, nagtuloy-tuloy pa rin ang tambalan nila hanggang ngayon sa ilang serye ng Kapuso network.

9. DONNA CRUZ & IAN DE LEON: Isa pang VIVA loveteam ang Donna Cruz at Ian de Leon na nagsama sa ilang hit TV shows at movies. Marami sa mga fan, lalo na ng Superstar na si Nora Aunor ang talagang sumuporta rin sa loveteam nina Donna at Ian. Para sa kanila, sina Donna at Ian ang maka­bagong Guy & Pip.

10. DINGDONG DANTES & ANTOINETTE TAUS: From reel to real rin ang naging loveteam nina Dingdong Dantes at Antoinette Taus na unang naging magkapareha sa T.G.I.S. at sa kanilang teleserye na Anna Karenina. At that time, isa rin sa may maraming hukbo ng tagahanga ang loveteam nila at ang relasyon nila ay bumilang din ng ilang taon.

11. KIM DELOS SANTOS & DINO GUEVARRA: Hindi lamang sa telebisyon at pelikula ang naging loveteam nina Kim delos Santos at Dino Guevarra, naging mag-asawa rin sila sa totoong buhay at nauwi rin sa annulment. Sa ngayon, may sarili ng pamilya si Dino at si Kim naman ay nagtatrabahong nurse sa America.

12. JOHN LLOYD CRUZ & KAYE ABAD: Isa sa hindi makalilimutang weekly youth-oriented series ang Tabing-Ilog kunsaan, ang loveteam nina John Lloyd Cruz at Kaye Abad ang pinaka-tumatak bilang sina Eds at Rovic. Pinaiyak at pinakilig nila ang mga manonood, lalo na ang mga tagahanga nila noon. Nauwi rin sa boyfriend/girlfriend ang kanilang relasyon pero nauwi rin sa hiwalayan hanggang sa maipareha na sa iba si John Lloyd.

13. BARON GEISLER & JODI STA. MARIA: Produkto rin ng Tabing-Ilog ang loveteam nina Baron Geisler at Jodi Sta. Maria na na­ging totohanan din at that time. Yes, bago pa ang mga isyu kay Baron, he was once a teen actor na nagpapakilig sa loveteam nila ni Jodi. May mga kuwentong diumano, si Jodi ang pinaka-great love ni Baron.

14. PATRICK GARCIA & PAULA PERALEJO: Isa sa pinaka-cute rin na tambalan noon na nagsimula rin sa Tabing-Ilog ay sina Patrick Garcia at Paula Peralejo. Napakarami nilang naging tagahanga na halos lahat, nagwi-wish na ma-push pa hanggang sa big screen ang loveteam nila. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, both Patrick and Paula are the most reluctant loveteam in a loveteam.

15. ANGELICA PANGANIBAN & CARLO AQUINO: Magkakaroon nga ba ang part 2 ang reel to real-life loveteam nina Angelica Pa­nganiban at Carlo Aquino dahil sa mga lumalabas na balita ngayon? Sila ang loveteam sa G-Mik noon na kahit bagets pa lang, parang ang serious na ng approach sa naging young relationship nila.

16. ANNE CURTIS & CHUBI DEL ROSARIO: Naalala niyo pa ba sina Em at Reyster? Sila sina Anne Curtis at Chubi del Rosario na mga third batch na ng popular teen show na T.G.I.S. Napakarami rin nilang pinagsamahang shows at movies kabilang na ang Anna Karenina, May Bukas Pa, Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib. Kung si Anne ay nagpatuloy at kinikila­lang isa sa pinakasikat na artista ngayon, si Chubi naman ay maagang nagretiro sa kanyang showbiz career.

17. KRISTINE HERMOSA & JERICHO ROSALES: Ang tambalang Kristine Hermosa at Jericho Rosales ang isa sa matatawag na phenomenal loveteam ng early 2000. Dahil sa sobrang hit ng kanilang teleserye na Pangako Sa ‘Yo, tumagal ito sa ere ng dalawang taon. Ang kasikatan nila ay hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa. Sila rin ang masasabing naging daan para makilala ang Pinoy serye sa ibang Asian countries. Naging real loveteam din sila, pero nauwi rin sa hiwalayan as their loveteam ends. Pareho na silang happily married ngayon. (Itutuloy)

18. BEA ALONZO & JOHN LLOYD CRUZ: Naipareha man si John Lloyd Cruz sa ibang leading ladies, marami ang naniniwalang ang greatest loveteam pa rin ni John Lloyd ay si Bea Alonzo. Sila ang loveteam na nagpatunay na hindi kailangang mauwi sa off-screen romance ang tagumpay ng on-screen loveteam nila. Ilang hit teleserye mula sa Kaytagal Kang Hinintay at box-office Star Cinema movies tulad ng all-time favorite Pinoy movie ng karamihan na One More Chance ang pinagsamahan nilang dalawa.

19. RICHARD GUTIERREZ & ANGEL LOCSIN: Ang loveteam nina Richard Gutierrez at Angel Locsin ang isa sa pinaka-matagumpay na loveteam ng Kapuso network na ipinanganak kasabay ng isa sa pinaka-matagumpay na fantaserye ng network na Mulawin. Muling napapanood ang dalawa, sa Kapamilya network sa katatapos lang na primetime series na La Luna Sangre.

20. DINGDONG DANTES & MARIAN RIVERA: Kung meron man sigurong ultimate loveteam on and off screen na matatawag, walang-iba ito kung hindi ang tambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na nagsimula sa Pinoy adaptation na Marimar. Nasundan na ito ng mga top-rating primetime series pa tulad ng Endless Love, Dyesebel among others hanggang sa pelikula. Ultimate peg na loveteam ang DongYan ng mga fandom ng loveteam dahil ang magandang chemistry nila sa screen ay hindi dito nagtapos. Ngayon nga ay happily married ang dalawa kasama ang anak na si Zia.

21. JENNYLYN MERCADO & MARK HERRAS: Mula sa pagiging Ultimate Survivors ng Star Struck Batch 1 na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras, naging matagumpay rin sila pareho bilang Kapuso loveteam. Napakarami nilang pinagsamahang serye at pinagbidahang pelikula tulad Encantadia, I Luv NY. Movies like Blue Moon at Let the Love Begin. Ang loveteam din nina Jennylyn at Mark ang kahit may mga iba ng mga karelasyon sa personal nilang buhay ay patuloy pa rin nagsasama bilang on-screen loveteam sa telebisyon. Ngayon ay magkasama sila sa bagong serye ng GMA-7 na The Cure.

22. KIM CHIU & GERALD ANDERSON: Ang Kimerald ang isa sa may napakaraming fans dito at sa labas ng bansa. At kahit na nauwi rin sa break-up ang relasyon nila on and off screen, nagkaroon ng ibang ka-loveteam si Kim at si Gerald naman ay naipareha sa iba’t ibang Kapamilya actress, maraming Kimerald ang masasabing solid pa rin sa loveteam nila. Katatapos lang din ng muli nilang pinagsamahan serye sa telebisyon, ang Ikaw Lang Ang Iibigin.

23. MELAI CANTIVEROS & JASON FRANCISCO: Bago pa man sila naging Mr. & Mrs. Francisco at kung tutuusin, bago pa man din sila naging artista, “MelaSon” na sila sa loob ng bahay ni Kuya. Sila na ang pinaka-sinubaybayan na loveteam sa PBB. Ibang klase rin ang supporters ng loveteam nilang dalawa na ayon nga kay Jason, ang kanilang facebook account ay patuloy na dumarami ang following with 7.3 million followers.

24. DANIEL PADILLA & KATHRYN BERNARDO: Kahit na hindi pa umaamin sa kung ano ang totoong estado ng relasyon meron sa pagitan ng KathNiel, parang sa mga fans nila, hindi na ito kailangan dahil sa sobrang kilig na naibibigay ng tambalan nila sa mga KathNiel fans. Sa henerasyon ngayon, maituturing na ang loveteam nina Daniel at Kathryn na patuloy na sinusubaybayan ngayon sa kanilang primetime series na La Luna Sangre ang isa sa pinaka-matagumpay na nabuong loveteam.

25. ALDEN RICHARDS & MAINE MENDOZA: Without a doubt, ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza ang isa na yatang loveteam na nakatatak na sa history ng local entertainment. Sa loob ng dalawang taon mula sa aksidenteng pagkakabuo ng loveteam nila sa Eat Bulaga bilang AlDub, napakarami ng magagandang nangyari simula sa araw na yun. Ang record-breaking trending tweets hanggang sa araw na magkita sila sa Philippine Arena. Ang napakaraming bilang ng endorsements, their teleserye and movies. 26. LIZA SOBERANO & ENRIQUE GIL: Mula sa Forevermore na unang pinagtambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil ay ipinanganak ang LizQuen na isa sa matagumpay na loveteam ng Kapamilya network ngayon both in television and movies. Kasalukuyan nilang ginagawa ang bago nilang teleserye na Bagani.

27. JAMES REID & NADINE LUSTRE: Pinaka-kontrobersyal na loveteam ngayon ang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre na unang minahal sa kanilang unang surprise hit movie na Diary ng Panget. Pero mas tumodo ang popularidad nila dahil sa kanilang seryeng On The Wings of Love. Napakaraming intriga, pangba-bash na pinagdaanan ng loveteam ng dalawa. So far, nananatili silang matatag lalo na sa off-screen relationship nila.

28. GABBI GARCIA & RURU MADRID: Physically perfect ang tambalang GabRu o Gabbi Garcia at Ruru Madrid ng Kapuso network. May sarili rin silang hukbo ng mga tagahanga at masasabing sa Kapuso network, sila ang pinaka-popular loveteam sa kanilang batch. Muli ngang papatunayan ng GabRu ang lakas nila sa telebisyon sa pamamagitan ng katatapos lang nilang primetime series na Sherlock Jr.

29. JANELLA SALVADOR & ELMO MAGALONA: Some love, some hate? Pero ang sigurado, mas marami ang nagmamahal at kinikilig sa loveteam nina Janella Salvador at Elmo Magalona na nagsimula mula nang lumipat ng Kapamilya network si Elmo, sa una nilang serye na Born For You at sa pelikulang pinagbidahan nila sa Regal Films, ang My Fairy Tail Love Story.

30. SARAH GERONIMO & MATTEO GUIDICELLI: Hindi sila magka-love team pero ang lakas nilang magpakilig, ha! At inaasahan na nga ng lahat na sa kasal mauuwi ang kanilang relasyon.

31. BARBIE IMPERIAL & JM DE GUZMAN: Kung tutuusin, parang hindi sila dapat magka-love team, dahil in terms of itsura, halatang mas may edad na si JM kesa kay Barbie. Pero, iba nga raw ang chemistry ng dalawa sa Araw, Gabi na teleserye nila sa ABS-CBN. Ang lakas nga raw ng dating nila lalo na sa mga moment na nagtititigan sila.