Una sa Balita

Pamaskong regalo mula sa CCP

0 166

Ngayong malapit na ang pagdiri­wang sa kapaskuhan, ang Cultural Center of the Philippines (CCP) ay may dalawang natatanging ispesyal na regalo para sa publiko.

Ang una ay ang “Cinema Under the Stars,” na mangyayari sa CCP Front Lawn, mula Disyembre 13 hanggang 15.

Mga natatanging pelikula mula sa Cinemalaya Independent Film Festival ang mapapanood na walang bayad.­ 6pm ang simula ng mga libreng pagtatanghal ng mga award winning na obra.

Ilan sa mga pelikulang mapapanood ay ang “Pan de Sala­wal,” na pinagbibidahan nina Bodjie Pascua at Miel Espinosa; “Extra,” na pinangununahan ni Vilma Santos at “Ang Babae Sa Septic Tank,” kung saan magkakasama sina Eugene Domingo, Kean Cipriano, Cai Cortez at JM de Guzman.

Bukod sa mga pelikulang Cinemalaya at mga entry sa Gawad Alternati­bo na maaari mong panoorin, masisilayan rin ang pagtatanghal ng Ephesus Teatron Group Inc’s Tribu at Philippine Women’s University Indayog Gongs.

Kaabang-abang rin ang Sinag: A Festival of Radiance na matutungha­yan rin sa CCP Front Lawn.

Ang Sinag: A Festival of Radiance ay isang lights show kung saan iba’t ibang klaseng mga parol ang pinaiilaw. Ang natatanging lights show ay likha nina Toym de Leon Imao Jr., pamilyang Quiwa at mga parol makers­ mula sa Pampanga.

Inuulit ko ang mga pelikula at ang lighs show ay libreng mapapanood.

Hanggang Disyembre 15 na lamang ang Ballet Philippines’ Cinderella na ipinapalabas sa CCP Main Theater­ na may 2pm. 6pm at 8pm na pagtatanghal.

Related Posts

Ang Ballet Philippines ay ang resident ballet company ng CCP at itinuturing na pinakamahusay na ballet company sa ating bansa.

Ang Cinderella ay base sa Brother Grimms Fairytale. Ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Sayaw Alice­ Reyes ang choreographer. Musika ni Pyotr Illich Tchaikovsky na ispesyal na inayos ni Francisco Feliciano.

Ang scene at stage design ay gawa ni Salvador Bernal (+), na National Artist for Theater and Design

Sa mga mahihilig sa ballet at fairy tale, maaring tumawag sa 8323706 at 8321125 locals 1803/1806 para sa Cinderella tickets.

Ang isa pang pamaskong regalo mula sa CCP ay magaganap sa Disyembre 20, ito ang resident artistic company, ang Philippine Philharmonic­ Orchestra (PPO) ay itatanghal ang kanilang Concert Season IV.

Ang mga ispesyal na panauhin sa PPO 2019 season ender ay sina percussionist Aimee Dela Cruz, young soprano Alexa Kaufman, at clarinetist Franz Jensen Andra.

Ang musical conductor para sa pre-Christmas show ay si Maestro Herminigildo Ranera.

Para sa mga tiket at karagdagang impormasyon para sa PPO show, paki-tawagan ang 8832-3704, 8832-3706 at 8831-0111.

Kung kakaibang Pasko ang hanap niyo, sugod na, at suportahan ang mga Pamaskong regalo mula sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Walang duda na hindi niyo makakalimutan ang nga karanasang ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy