Una sa Balita

Pamasko cockfest sa Disyembre 18

0 305

MGA sultador ng Cavite, Batangas, Laguna at Southern Metro Manila ang magtatagpo sa Las Piñas Coliseum para sa taunang “Pamaskong Handog 4-Cock Derby” sa Dec. 18.

Umpisa na ang 2019-2020 cock season sa LPC at pagtatapos ng stagfighting season ang paderbing ito ni coliseum manager Alex Tobias.

Para makasali ang mga smalltime cocker, ibinaba ang entry fee sa P7,700 ngunit ibibigay ang garantisadong P400,000.

Sigurado na ang 50 entries o higit pa.

Samantala, kumpleto na ang 12 kiosks at machines sa LPC para sa mga gustong makibahagi sa Pitmasters Live (live streaming).­

Tawagan lamang ang 8873-1040, 0929-1800960 (Grace 1), 0939-1376455 (Grace 2) o 0915-3582076 (Julius). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More