Una sa Balita

Pamangkin pinangaralan sa pagyoyosi, uncle pinatay

0 661

DAHIL lamang sa isang stick ng sigarilyo, pinagsasaksak hanggang sa napatay ng isang 18-anyos na binatilyo ang kanyang tiyuhin nang tumanggi itong magbigay ng sigarilyo sa Bacoor City, Cavite.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Romyr Raves, 27, isang pedicab driver habang arestado naman ang pamangkin nitong si Alexander Chan alias “Dada,” walang trabaho at kapwa taga-Sitio Kanluran Longos, Brgy Zapote V, Bacoor City, Cavite.

Sa report ni Pat Jerome Asid ng Bacoor City Police Station, alas-7:30 Biyernes ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng magtiyuhin.

Humingi umano ng isang stick ng sigarilyo si Alexander sa tiyuhing si Romyr.

Imbes na bigyan ni Romyr ang pamangkin, sinermunan pa umano ito dahil sa kanyang bisyo na ikinagalit ng suspek hanggang sa magtalo na ang dalawa.

Kumuha ng screw driver ang suspek at pinagsasaksak sa mukha ang kanyang tiyuhin na siya nitong agarang ikinamatay.

Ayon kay Asid, gumagamit umano ng shabu ang suspek na nakakulong ngayon sa Bacoor City Custodial Center. (Gene Adsuara)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More