Cebu road rage

Pamangkin ni Peter Lim ang suspek

By

Massive manhunt ang ipinatutupad ngayon ng Cebu­ Police upang maaresto ang suspek sa pamamaril sa isang nurse sa Cebu noong weekend.

Kasabay nito, inilagay na sa look out bulletin ng Bureau of Immigration (BI) ang negosyanteng sangkot sa pamamaril na si David Lim, kaanak umano ni Peter Lim, ang kilalang negosyante sa Cebu at isa sa mga kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si David Lim ay sangkot sa pamamaril kay Epraem Montalbo, 33-anyos, nurse sa Cebu at naging viral ang video ni Montalbo matapos malapitan itong barilin ni Lim.

Nag-ugat ang away nang businahan ni Montalbo si Lim na nagmamaneho ng pagewang-gewang.

Dito bumaba ng sasakyan si Lim at inaway ang biktima.

Sa video sinubukang awatin ang dalawa ng kani-kanilang mga kasamang babae pero hindi nagpaawat si Lim sa halip ay malapitan nitong binaril si Montalbo gamit ang hindi pa batid na kalibre ng baril.

SHARE