Una sa Balita

Pamangkin gustong isunod sa apelyido ng mag-asawa

0 531

Dear Atty. Claire
Good day po. Hingi lang po ng advice.

Ano po ba pwede naming gawin para maiIipat sa aming mag asawa yung apel­yido ng pamangkin ko.

Bale po kapatid ko po kasi yung mother niya na patay na since Nov. 2010.

Ang gamit po niyang apelyido ay yung sa kapatid ko na apelyido ko din nung da­laga. Ipinanganak po yung pamangkin ko noong August 2010. Hindi po sila kasal nung tunay na tatay ng pamangkin ko.

Ang nakalagay lang sa birth certificate niya ay yung name ng kapatid ko..

Kami na po nag alaga sa kanya at nagpapaaral ngayon..isa pa po wla ciang surname kya gsto nmn malipat apelyido niya sa amin..may habol po ba ang tatay niya since wala naman pakialam sa bata yung tunay na ama niya.

Ano po pwede na gawin? Sana po masagot ninyo ako.

Maraming salamat po and God bless.

Roselle

Ms. Roselle,
Hindi ninyo basta lamang na maiaapelyido ang bata sa inyo dahil kakailanganin ninyo siyang ampunin nang ligal bago mabago ang kanyang surname at maipalabas na anak ninyong mag-asawa.

Ang pagsang-ayon ng tunay na tatay ng bata ay kakailanganin upang tuluyang payagan ng korte ang pag-ampon sa bata. Mas magandang makausap mo ang tunay na ama ng bata at sabihin ang planong pag-ampon dahil sa kakausapin rin naman siya ng social worker o representative mula sa DSWD upang mabatid kung qualified ba ang bata na ampunin at at kung qualified din kayo na mag-ampon.

  Nagkakaroon ng isang child case study ang assigned social worker para malaman kung ano ang maaaring maging kahinatnan ng pag-ampon sa bata.

Dahil dito ay talagang ha­hanapin nila ang mga tunay na magulang para malaman kung sang-ayon sila sa plano na ampunin ang anak niya.

Kapag nagkaroon ng magandang study ang DSWD o social worker ay malamang na sumang-ayon ang korte sa hiling ninyong maampon ang bata. Ang una nilang konsi­derasyon ay kung ang lahat ng iyan ay para sa ikabubuti ng bata.

 Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy