Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pamanang singsing ginalugad sa dagat

0 11

ISANG pamanang wedding ring ang natagpuan isang araw matapos nahulog ng may-ari sa ilalim dagat.

Sinabi ni Cherie Monoa na nagtungo sila ng kanyang asawa na si Siu sa Ulua Lagoon, isang isla sa Ko Olina, nang mahulog ng huli ang suot na singsing.

“My husband for some odd reason wore his ring to the beach,” ayon kay Monoa.

“I guess it was just the excitement of being home and in the water.” dagdag pa nito.

Tinangka ng mag-asawa na hanapin at sisirin gamit ang hiniram na goggles subalit nabigo sila.

Ang nasabing alahas ay pamana pa ng pamilya-Monoa.

Sa kawalan ng pag-asa, kinontak na lang ni Monoa ang TheRingFinders, isang grupo ng metal detecting enthusiasts, na nag-alok naman ng tulong.

Si Joe Au-Franz, isa sa mga miyembro ng grupo ang nagtungo sa dagat kinabukasan, itinuro rin ng mag-asawa ang eksaktong lugar kung saan ito nahulog.

“When we told him, ‘No, closer to that side,’ and then he finally found it, we were so relieved,” ayon kay Monoa. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.