Una sa Balita

Palusot ng Rappler tinabla sa CA

By
0 620

Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang pagkansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa certificates of incorporation ng news website na Rappler ni Chief Executive Maria Ressa dahil sa isyu ng pag-aari.

Nanindigan ang appellate court na ang Rappler ay isang mass media entity sa ilalim ng Presidential Decree No. 1080 at Republic Act No. 9211, kaya’t sakop sila sa regulasyon tungkol sa foreign ownership, taliwas sa paninindigan ng website na hindi sila bahagi ng mass media.

Nakapaloob sa RA 9211 na pinalawak ang definition ng mass media upang masakop ang ‘electronic media’ tulad ng internet.

Sa ruling ng CA na may petsang Pebrero 21 at inilabas sa publiko nitong Lunes, Marso 11, ibinasura nito ang inihain ng Rappler na motion for partial reconsideration noong Agosto 17 dahil sa kawalan ng merito.

Nanindigan naman ang CA na ipauubaya na lamang nila sa SEC ang imbestigasyon sa legal effect ng donasyon umano ng Omidyar sa operasyon ng Rappler.

Noong Enero 2018 ay sinabi ng SEC na ang Philippine Depositary Receipts ng American firm na Omidyar Network ay isang paglabag sa constitutional restriction sa foreign ownership ng mass media companies dahilan kung bakit kinansela ang registration ng Rappler. Unang iginiit ng Rappler na 100 porsiyento itong pag-aari ng Pilipino.

“In view of the donation made by Omidyar of all the Omidyar PDR to the Rappler staff, the negative foreign control found objectionable by the SEC appears to have been permanently removed. This Court notes that the terms and conditions of the donation made by Omidyar was not discussed by petitioners in their Reply. Also, petitioners did not attach a copy of the document containing the alleged donation in their Reply,” ayon sa CA.

“Thus, it is incumbent upon the SEC to evaluate the terms and conditions of said alleged supervening donation and its legal effect, particularly, whether the same has the effect of mitigating, if not curing, the violation it found petitioners to have committed. If so, this may warrant a re-exami­nation of the sanction of revocation of petitioners’ Certificates of Incorporation imposed by the SEC En Banc in the assailed Decision,” nakasaad pa sa CA ruling.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy