Una sa Balita

Palugit sa final version ng BBL, ngayong linggo

By
0 724

Inaasahan na maisusumite na ng bicameral conference committee ngayong linggong ito kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pinaleng bersiyon ng Bangsamo­ro Basic Law (BBL).

Batay kay House Majority Floor Lea­der at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas posib­leng maratipikahan ang BBL sa umaga ng Hulyo 23 para mapirmahan ng Pangulo bago ang SONA nito.

Sinabi ni Fariñas na maghaharap ang mga senador at kongresista sa Martes, Hulyo 17 para aprubahan ang final version ng BBL.

“If he (PDu30) finds it to his approval, we will have it ratified in Plenary by the House of Representatives and the Senate when we convene our 3rd Re­gular Session on Monday, July 23, 2018, at 10:00 a.m., for it to be signed into law by the President on or before the SONA at 4 p.m.,” paliwanag ni Fariñas.

Ikinatuwa naman ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu ang napipintong pag-apruba sa BBL.

“This landmark le­gislation would surely bring developments in Mindanao as it offers solution to the peace and order concern there,” ani Abu.