Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Palparan interbyu sa Bilibid may basbas

0 124

Dinepensahan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang naging panayam kay dating General Jovito Palparan at sinabing nasunod ang mga panuntunan.

Matatandaang naging kontrobersyal ang panayam ni NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy kay Palparan dahil nakakulong pa ito sa New Bilibid Prison.

Isa sa kumuwestiyon sa legalidad ng panayam ay si Atty. Edre Olalia ng National Union of People’s Lawyers.

Paliwanag ng NTF-ELCAC, wala silang nalabag na patarakan sa panayam bukod pa sa may basbas ito ng Bureau of Correction (BuCor). (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.