Una sa Balita

Palpak sa math! COA sinita ang gastos ng Muntinlupa

0 261

By Yves Briones

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang city government ng Muntinlupa dahil sa kabiguan nilang ayusin ang komputasyon ng inaprubahang budget ng kontrata na maaaring makaapekto sa implementasyon ng mga proyekto.

Sa 2018 annual audit report, natuklasan ng COA ang maraming mathematical error na nagresulta ng ‘over and under computation’ sa Approved Budget of the Contract (ABC) ng maraming proyekto.

Ang mga error ay bunsod ng pagkabigo ng city government na isama ang ilang item sa komputas­yon tulad ng labor cost ng pagsesemento, halaga ng septic tank at pumpcrete.

Napansin din nila ang mga maling cell number­ na nagresulta ng maling komputasyon ng kabu­uang halaga.

Sa ilalim ng Section 12 ng Revised Implementing­ Rules ng RA 9184, ang siyang nakatoka sa pagrebyu ng technical specifications, scope of work at terms of reference ay ang Technical Working Group (TWG) ng city government na kinabibilangan ng grupo ng technical, financial ta mga legal expert.

“[A]n incorrect or erroneous ABC may affect the actual implementation of the projects considering the material difference…moreover, the projects­ may not be implemented in accordance with the plans and specification as these may affect the amount to be offered or bidded,” puna ng COA.

Depensa naman ng management, ang mga kinuwestiyong proyekto ay 100 porsiyento nang tapos at ang mga error sa komputasyon ng ABC ay hindi nakaapekto sa aktuwal na implementasyon ng proyekto.

Sa kabila ng paliwanag, nanindigan ang COA na dapat ihanda ng city government ang tumpak na ‘detailed estimates and mathematical computations’ bago tapusin ang ABC.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy