Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Palou, Liao, Olaso bisita sa PSA Forum

0 77

PAG-UUSAPAN ang nalalapit na Invitational Conference ng Premier Volleyball League (PVL) sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Martes, Hunyo 28, sa Century Park Hotel.

Dadalo sa alas-10:00 ng umaga na session sina PVL President Ricky Palou at tournament director Tonyboy Liao para pag-usapan ang mid-season tournament na nakatakdang magsimula sa Hulyo 9.

Ang Cignal TV Inc. vice president para sa mga channel at content na si Sienna Olaso at ang mga kinatawan ng mga kalahok na koponan ay dadalo rin sa lingguhang programa sa palakasan na ihahandog ng San Miguel Corporation (SMC), MILO Philippines, Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee, Unilever Philippines, Amelie Hotel Manila at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Ang Forum ay mapapanood via livestream sa pamamagitan ng PSA Facebook page at ipinapalabas din sa isang delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na ibinabahagi rin sa opisyal na Facebook page nito. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.