Una sa Balita

Palomata, Air Force niratrat ang Choco

0 180

NADALE ng Philippine Air Force Lady Jet Spikers ang ikalawang kabit na panalo nang pisakin ang Choco Mucho Flying Titans, 24-26, 25-14, 25-21, 22-25, 7-15, sa unang laro kahapon sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre.

Pinangunahan ni Dell Palomata ang Lady Jet Spikers sa hinataw na 18 points upang umangat sa 2-5 karta.

Swabe rin ang laro ni Angel Mae Antipuesto, tumulong ng 9 spikes at 5 service aces para sa total 16 points.

Naging masakit naman ito para kay coach Oliver Almadro nang masulot pa ang dapat sanang panalo dahil angat sila, 2-1, pagkatapos ng tatlong set.

Nabalewala ang 30 points ni Kat Tolentino para sa Flying Titans na bumagsak sa 2-5 win-loss record.

“Motivate again, always motivate,” wika ni coach Jasper Jimenz bilang susi ng pagkapanalo ng Air Force.

“Dahil ang sinasabi namin sa ensayo kailangan ‘yung ingay natin kung ano ‘yung in-apply natin sa practice ‘yun din ang dapat na i-apply natin sa laro.” (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy