Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Palo, Cua raragasa

0 84

IPAGPAPATULOY nina Jose Palo, Dhea Cua at dalawang iba pa ang mga pananalasa sa titulo sa kanilang balwarte laban sa mga karibal sa rehiyon sa pagsiklab ng Palawan Pawnshops-Palawan Express Pera Padala President’s Cup National Age-Group Tennis Tournament n weekend sa Kidapawan City, Cotabato.

Nagsalo sina Palo and Cua sa MVP honors sa tigalawang tagumpay sa 14- at 16-U divisions sa nakalipas na linggong Kabacan stop ng Mindanao swing sa pinakamatagal ng talent-search, pero tiyak na makakaharap sila ng mga astig na hamon sa ilang katuanggaling bubulilyaso sa kanilang mithiin sa Kidapawan City courts.

Katunayan nakikipagbuno si Cua, ang top seed sa girls’ 14-U, sa last 16-U slot kontra kay Keena Villaraiz sa qualifier hanggang presstime sa four-day tournament na may basbas ng Unified Tennis Philippines.

Huhugot naman ng puwersa si Palo, siya ring top ranked player sa 14-U, sa local crowd sa pakikipaghampasan kaninuman kina Inigo Barrios, Cian Ramirez, Rafa Ubag, Yusuf Maldo o Nathaniel Bolocboloc.

Kayod din siya sa 16-U diadem laban kay top seed RJ Saldivar, na sinilat niya sa Kabacan.

Samantala, lilipat ang mga aksiyon sa Dunlop-presented ranking circuit, sa Pigcawayan, sa Cotabato rin, sa Hunyo 1-5.

Sa listup, kontakin si event organizer Bobby Mangunay sa 0915-404 6464. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.