Una sa Balita

Palit-puri binabala sa kalas ICC

By
0 347

IBINABALA ng Gabriela Women’s Party (GWP) na mas lalong lalala ang pang-aabuso ng state forces sa pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, naduwag ang rehimeng Duterte at ginamit na panangga ang pagbitaw sa ICC para hindi mahabol at mapanagot sa mga paglabag sa karapatang pantao na konektado sa inilunsad na giyera kontra iligal na droga.

Nangangamba ang lady solon na dahil sa pagbitaw ng PH sa ICC ay mas lalo pang magiging masahol ang war on drugs at dadami rin ang mga kaso ng “palit-puri.”

“Nakakatakot isipin na higit na dadami ang mga halimaw na mapang-abuso sa hanay ng kapulisan at mas maraming kababaihan ang magiging ­biktima ng ganitong kamuhi-muhing kalakaran,” giit ni Brosas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy