Una sa Balita

Palicte sa rematch kay Nietes: Kung ayaw mo, mas ayaw ko!

By
0 605

HINDI pipilitin ng kampo ni Aston­ Palicte na muling makaharap si Donnie Nietes, pero kung hindi ito mangyayari kailangan nitong bakantehin ang World Boxing Organization (WBO) junior bantamweight title. 

Sa panayam ng Inquirer kay Jason Soong, manager ni Palicte, kailangan umanong bakantehin ni Nietes ang kanyang titulo kung tatangihan nito ang rematch sa kanyang bata. 

“As much as we don’t want to fight another Filipino, I owe it to Aston to give him another world title shot,” sabi ni Soong. 

Matatandaan na nasungkit ni Palicte ang mandatory slot para makaharap muli si Nietes nang pabagsakin si Puerto Rican Jose Martinez may ilang linggo na ang nakaraan. 

Matapos masungkit ang nasabing spot ay agarang iniutos ng WBO na pag-usapan ng dalawang kampo ang nasabing rematch.

Ang 36-anyos na si Nietes, ang may pinakamahabang reign bilang isang kampeon at four-time champion, ay gustong makaharap sina Juan Francisco Estrada at Srikaset Sor Rungvisai. 

Huling nagharap ang dalawang Pinoy boxers at naging kontrobersiyal nang maging split draw ang desisyon nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy