Una sa Balita

Palengke ng Lanao del Norte nasunog

0 181

TINUPOK ng nagla­lagablab na apoy ang public market ng Lanao del Norte kamakalawa ng gabi.

Bandang alas-10:00 ng gabi noong Biyernes nang magsimula ang sunog na ipinalalagay na nagmula sa isang appliances na naiwang naka-plug.

“We are looking into an unattended rice cooker in one of the stalls (as the cause of the fire),” sabi ng mga pamatay-sunog.

Nag-umpisa umano ang apoy sa gitnang bahagi ng palengke na mabilis na kumalat. Nakontrol lamang ang sunog makaraan ang apat na oras.

Wala pang malinaw na dahilan ang sunog na ayon sa mga arson investigator ay hindi dahil sa faulty electrical wiring dahil wala umanong kuryente nang magsimulang masunog ang palengke.

Gayunman, posibleng may naiwang appliances kagaya ng rice cooker o kaya’y isang kandila na naiwan ng isang stall owner.

Wala namang naiulat na nasaktan sa sunog.