Una sa Balita

Palay ng mga magsasaka bibilhin ng NFA-Duterte

0 998

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Food Authority (NFA) na bilhin ang lahat ng aning palay ng mga magsasaka.

Tugon ito ng Pangulo sa hinaing ng mga magsasaka na naapektuhan ng rice tariffication law dahil sa mababang presyo ng bilihan ng kanilang aning palay.

Pero sinabi ng Presidente na hindi maaaring magdikta ang mga magsasaka sa presyo, bagkus ay makipag-usap sa NFA kung magkano.

“But you cannot demand a price. You arrive at a compromise of how much you are willing to lose a little bit. Huwag naman ‘yang paano. Medyo tapatan lang basta hindi malugi na ano ‘yung pagod nila but they are compensated,” anang Pangulo.

Kasabay nito, ipinaliwanag ni Duterte kung bakit kailangan ang rice tarrification sa bansa dahil ito ay para sa kapakanan at interes ng mayorya ng mga Pilipino.

“Now itong tariffication, I said it is a mode that is intended to serve the greater interest , the majority of the people. So ang solusyon diyan, bilhin natin. And malugi tayo. Lugi tayo. Bakit tayo nagkokolekta ng taxes? Para malugi. Para makatulong ka sa…,” dagdag ng Pangulo.

Nauna rito ay nagreklamo ang mga magsasaka dahil binabarat ang kanilang mga aning palay mula P21 kada kilo ay naging P17 at may mga lugar sa bansa na P7 umano ang bilihan kada kilo ng palay.(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy