Una sa Balita

Palawan, Samar, Bohol may red tide

By
0 9

Apektado ng red tide toxins ang mga karagatan ng Visayas at Minda­nao gayundin ang Puerto Princesa City sa Palawan dahil sa mataas na paralytic shellfish poisoning.

Dahil dito, ipinagbawal muna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paghango ng mga shellfish tulad ng tahong, talaba, tulya, halaan at Acetes sp. o alamang.

Kabilang sa mga lugar na apektado ng red tide toxins ang coastal waters ng Daram Island, Irong-Irong at Cambatutay Bays sa  Western Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Leyte, Leyte; Biliran Province; Gigantes Islands sa Carles, Iloilo; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Balite Bay sa Davao Orien­tal at Puerto Princesa City Bay sa Palawan.

Ayon sa abiso ng BFAR, hindi pwedeng kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang dahil maaari itong magdulot ng pagtatae at pagkalason na pwedeng ikamatay.

Ligtas namang kainin ang mga isda kung ito ay lulutuing mabuti at tanggalan ng laman loob at hasang.