Una sa Balita

Palawan patuloy na dinadagsa ng turista

By
0 5

Sa kabila ng intelligence report na nakapasok na umano ang grupo ng Abu Sayyaf sa lalawigan ng Palawan, tila hindi natinag ang maraming turista na karamihan ay mga dayuhan mula sa ibang bansa sa pamamasyal sa pamosong tourist destination.

Nasaksihan ng Abante mula sa magkabilang dulo ng Palawan na nakaalerto nang husto ang mga sundalo at pulis, habang southern Palawan ay maraming inilatag na mga checkpoints partikular sa bayang Rizal, hanggang Batarasa Palawan.

Matatandaan na ang mga bayan na ito ang nakaharap sa Mindanao partikular sa Sulo at Tawi-Tawi na pinangangambahang dinaanan umano ng mga bandidong grupo.

Habang sa Northern Palawan naman ay nakalatag checkpoints ng Philippine Marines lalo na sa bayan ng El Nido kung saan may pinakamaraming banyagang turista.

Dahil sa banta ng Sayyaf, nakaalerto ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista sa lalawigan.