Una sa Balita

Palasyo: Wristband na suot ni Duterte ‘di medical plaster

0 328

ITINANGGI ng Malacañang na medical plaster ang suot ni Pangulong Rodrigo Duterte nang bumisita ito sa Sangley ­Airport noong Pebrero 15.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, simbolo raw ng kagustuhan ng Pangulo ng kapayapaan sa Pilipinas ang puting wristband na suot nito sa inagurasyon ng Sangley Airport Development Project sa Cavite City.

“It’s not a medical plaster… ‘Yung white… that’s more symbolical of his wanting peace in the Philippines. Parang kay [dating Presidente Joseph Estrada], wristband (‘yun),” aniya.

Giit pa ni Panelo, hindi itatago ni ­Pangulong Duterte sakaling may maramdaman itong kakaiba sa kanyang katawan.

“The President will tell us if he’s not feeling well. Wala ngang tinatago eh. Lahat sinasabi niya sa atin. Basta ang tingin ko diyan, ang unang nakita ko kaagad doon nu’ng nakita ko ang white is, it is a symbol of peace. ‘Di ba gusto niya palagi magkaroon ng kapayapaan dito sa ating bansa?” wika pa ni Panelo. (Prince Golez/IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More