Una sa Balita

Palasyo: Walang price control sa presyo ng mga bilihin

By
0 181

WALANG plano ang pamahalaan na magpatupad ng price control sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bababa rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa sandaling dumami ang supply dahil nag-aangkat na ng isda, partikular ang galunggong, karne ng baboy at manok.

Kapag aniya dumami ang supply, tiyak na bababa ang presyo dahil sa law of supply and demand.

Abante Hiring – IT dep

“Ang mangyayari po niyan ay hahayaan­ lang nating dumami ang supply para bumaba ang presyo. Tinanggal na rin po natin ang special safeguard measures para sa manok,” ani Roque.

Binigyang-katuwiran ng kalihim na ang mataas na presyo ng produktong petrolyo ang dahilan kaya nagtataasan ang presyo ng mga bilihin.

Pero meron naman aniyang suggested retail price (SRP) para hindi lumaki nang husto ang presyo tulad ng manok.

Binigyang-diin ni Roque na hindi natutulog sa pansitan ang pamahalaan at katunayan ay kumikilos ang mga ahensiya ng pamahalaan para maibsan ang pinapasang sakri­pisyo ng taumbayan.
“Hindi po natutulog sa pansitan ang gobyerno. Gumagawa tayo ng mga paraan para maibaba ang presyo ng bilihin. Nakikita niyo naman ginagamit natin ang kapangyarihan ng ating gobyerno para gawan ng paraan at maibsan ang paghihirap ng taong bayan,” dagdag na pahayag ni Roque.