Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Palasyo tukod sa Sara-Go ni Digong

0 244

Nanindigan ang Malacañang na ang Sara-Go tandem ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maitulak sa darating na eleksiyon.

Tugon ito ng Palasyo sa paghahain ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng kandidatura para sa kanyang re-election sa Davao City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na makakapagsalita lamang ito para sa presidente kung saan ang tambalan ng kanyang anak at ni Senador Go ang nararapat para sa 2022 elections.

“I can only speak for the president, as far as the president is concerned, he thinks it will be a Sara-Go tandem, but that is as far as the president is concerned,” ani Roque.

Bagama’t nakapagsu¬mite na ng certificate of candidacy (COC) si Mayor Sara, sinabi ni Roque na abogado ang alkalde at alam nito na maaaring bawiin ang inihaing COC sakaling magbago ang isip nito.

“Alam ko na nag-file naman ng certificate of candidacy pero all lawyer¬s know that all certificates of candidacy can be withdrawn,” dagdag ni Roque.

Kasabay nito pinawi ng kalihim ang mga haka-haka na posibleng tumakbo muli ang presidente sa pagka-pangulo o kaya ay bise-presidente at hindi maiwasang maglaban sila ng kanyang dating top aide.

“Sa mga skeptics, nan¬diyan po ang Saligang Batas na nagsasabing walang re-election ang president at sa tingin ko naman hindi lalaba¬nan ni Presidente ang kanyang matalik na kaibigan at matagal na nanilbihan sa kanya na si Senator Go,” wika ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.