Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Palasyo: Suspensiyon ng fuel excise tax inaaral na

0 181

Pinag-aaralan na ng gobyerno ang panukalang suspensiyon sa fuel excise tax, ayon sa Malacañang kahapon.

Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag kasunod ng panawagan sa gobyerno ng ilang transport group at ibang sector na pansamantalang suspendihin ang fuel excise tax habang ang ilan naman ay nagsusulong na magkaloob ng subsidiya dahil sa matinding epekto ng taas-presyo sa produktong petrolyo.

“As we speak, pinagpupulungan itong bagay na ito,” ani Roque.

“Kinukonsidera ang parehong proposal. So, the government is heeding and we are evaluating,” dagdag nito. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.