Una sa Balita

Palasyo, senado, gabinete nagdalamhati sa pagpanaw ni Gina Lopez

0 385

Ikinalungkot ng Malacañang ang pagpanaw ni dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) sectary Gina Lopez dahil sa sakit na brain cancer.

Sa ipinalabas na paha­yag ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, nagluluksa ang Palas­yo sa pagyao ni Lopez na aniya ay isa sa ‘most passionate’ cabinet member ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa kanyang adbokasiya na pangala­gaan ang kalikasan.

“It is with a heavy heart that we express our sincerest condolences to her family, relatives, friends and loved ones. The Palace deeply grieves the demise of one of President Rodrigo Duterte’s most passionate cabinet members whose environmental advocacy remains unparalleled to this day,” ani Panelo.

Nagpahayag din ng kalungkutan sa pagyao ni Lopez sa edad na 65 ang ilang senador.

“She fought for children who were incapable of seeking justice and care for themselves and eloquently spoke for the people in the communities whose voices have been crushed by exploitation,” sabi ni Senador Sonny Angara.
Inilarawan naman ni Senador Francis Pangi­linan ang dating Environmental Secretary bilang ‘a woman of courage, firebrand’.

Para naman kay ­Senador Bong Go, hindi umano matatawaran ang pagiging ‘passionate, dedicated, at humble’ nito bilang public servant at bilang isang Earth warrior.

Ang mga naging da­ting kasamahan sa gabinete ay nalungkot din sa pagpanaw ni Lopez kabilang si Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sinabi naman ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar na malaking karangalan ang makatrabaho ang isang Gina Lopez na mas nakilala noong kainitan ng isyu sa anti-illegal mining. (Aileen ­Taliping/Dindo ­Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy