Una sa Balita

Palasyo sa taas pasahe: Tiis lang!

By
0 251

Sa halip na umangal at magreklamo, pinayuhan ng Malacañang ang publiko na tanggapin ang katotohanang talagang masama ang panahon kaya dapat magtiis.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng panibagong fare increase na ina­ngalan ng publiko, lalo na ang mga commuter.

Sinabi ni Panelo na hindi kontrolado ng gobyerno ang mga nagtataasang presyo lalo na sa produktong petrolyo kaya konting tiis dahil bababa rin naman ito kalaunan.

“Siguro we have to accept the fact na talagang masama ang panahon, so magtiis muna tayo. Hindi natin kontrolado ngayon iyong panahon kung saan nagtataasan ang presyo ng langis, globally. But hopefully, that will taper down,” ani Panelo.

Naunang inihayag ng kalihim na pansamantala lamang ang provisional fare increase dahil sa sanda­ling bumaba ang presyo ng langis ay tiyak na ibabalik sa dati ang singil sa pasahe.

Agad na umani ng pagtutol ang mayorya ng mga commuter sa nakakasang fare increase kung saan magiging P10 na ang minimum fare sa jeep at P13 naman sa pampasaherong bus.