Una sa Balita

Palasyo sa publiko: Konting tiis sa EDSA traffic

0 215

HINDI rin nakaligtas sa matinding traffic sa EDSA si Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos makaranas ng perwisyo at kunsimisyon ang maraming mana­nakay nitong mga nagdaang araw.

Sinabi ng kalihim na inabot din siya ng dalawang oras sa Makati City bago makarating sa Singapore Embassy dahil sa epekto ng matin­ding traffic sa EDSA.

Ginawa naman ani­ya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat para maayos ang trapiko subalit posibleng nakadagdag sa perwisyo ang malakas na pag-ulan nitong mga nagdaang araw.

“I agree on the traffic situation. It took me two hours from one place in Makati going to ce­lebration in Singapore Embassy. But I think the rainy season has contributed to the density of traffic. MMDA is doing its level best to do something about it,” ani Panelo.

Naiintindihan aniya ng Palasyo ang ngitngit at pagkainis ng mara­ming commuter at motorista kaya umapela si Panelo na habaan pa ang pasensiya sa matinding traffic.

Kailangan talaga aniya ang mga dagdag na imprastruktura gaya ng skyway para mawala ang matinding problema ng traffic sa kahabaan ng EDSA at sa iba pang lugar sa Metro Manila.

“We have to ask the commuters to be patient. I’m sure the MMDA is doing enough. But actually the problem in EDSA, we need skyways for that. If we have a lot of skyways, I dont think there will be traffic,” dagdag pa ni Panelo.

Sinisisi ng mga commuter at bus driver ang paghihigpit sa yellow lane policy kaya’t parang may prusisyon ng bus sa EDSA. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy