Una sa Balita

Palasyo sa publiko: Duterte ‘di nanghihingi ng campaign fund

0 355

NAGBABALA ang Malacañang sa publiko kaugnay sa pangungulekta ng mga campaign fund para sa eleksiyon ng ilang tao gamit ang pangalan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakarating sa tanggapan ng Pangulo na ginagamit umano ng ilang scammer ang pangalan ng Pangulo para mangalap ng pondo o mga election material para sa mga kandidatong inendorso nito.

Sinabi ni Panelo na walang binigyan ng pahintulot ang Pangulo na kahit sino para mag-solicit ng pera para sa eleksiyon.

“It has come to the attention of the Office of the President that President Rodrigo Roa Duterte’s name has been used or dropped to solicit or accept campaign funds, contributions or materials in favor of the senatorial candidates he has personally endorsed,” ani Panelo.

Kahit aniya mga ahensiya ng gobyerno ay hindi binigyan ng permiso ni Pangulong Duterte para manghingi ng donasyon.

Dapat mabatid ng publiko na ang mga ganitong aktibidad ay taliwas sa prinsipyong isinusulong ng Duterte administration.

Hinikayat ni Panelo ang publiko na ireport agad sa National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agency kapag may mga taong lumapit sa kanila at humingi ng salapi gamit ang pangalan ng Pangulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy