Una sa Balita

Palasyo sa PDEA: 31 celebrity kasuhan!

By
0 342

DAPAT sampahan ng kaso sa korte ang 31 celebrity na sangkot sa ­iligal na droga at nasa listahan ng ­Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ilahad ng pamunuan ng PDEA na 31 mga artista ang sangkot sa illegal drugs.

Sinabi ni Panelo na kung may sapat na ebidensyang magdidiin sa mga natukoy na artista ay makatwiran lamang na kasuhan ang mga ito sa korte.

“If they have sufficient evidence to back them up in court, they should and they must,” ani Panelo.

Nakakalungkot aniyang malaman na sangkot sa iligal na droga ang ilang artista na dapat ay nagsisilbing huwaran sa publiko lalo na sa mga kabataan.

Pero sinabi ni Panelo na hindi dapat kunsintihin ang mga ito lalo na kung mali ang kanilang ginagawa.

“We are saddened that these people are involved. But we will never tolerate them,” dagdag pa ni Panelo.

Kaugnay naman sa posibilidad na isapubliko ang pangalan ng mga artistang gumagamit ng iligal na droga para gawing “shame campaign” ay sinabi ni Panelo na tatanungin niya ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinnggil dito, pati na rin ang PDEA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy